Empleyado inambus

Patay ang isang emple­ yado ng Marikina City hall ma­karaang pagbabarilin ito ng hindi pa kilalang salarin kamakalawa ng gabi sa Antipolo City.

Tadtad ng tama ng bala mula sa hindi pa batid na kali­bre ng baril at idineklarang dead-on-arrival sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktimang si Romel Adamos 34, nakatalaga sa Office of Public Safety and Security ng Marikina City hall.

Naganap ang insidente dakong alas-9:10 ng gabi ha­bang ipinaparada ng biktima ang kanyang motorsiklo sa Clubhouse ng Palmera Woodland sa Narra Avenue, Antipolo City.

Bigla na lang umanong ni­lapitan ito ng suspek at wa­lang sabi-sabing pinagbabaril ng malapitan sa ulo at ibat-ibang bahagi ng katawan. (Edwin Balasa)

Show comments