'White lady'sa van

QUEZON – Palaisipan sa mga residente kung nagkataon lamang o likha ng imahinasyon ang pag­li­taw ng isang babae na may mahaba ang buhok at puti ang damit (white lady) sa na­susunog na van na ikinasugat ng isang doktor, kamakalawa ng umaga sa Barangay Lumingon, Tiaong, Quezon.

Ang nasa­bing white lady ay nasaksihan ni Lolita Leviste ha­bang siya ay sakay ng kotse. Kasabay ng multo sa van ay ang mag-inang Dra. Retchel Go, Angelita at kapatid na si Ronald, 27, na pawang mga resi­dente ng Novaliches, Quezon City, habang sila ay bu­ma­baba sa nasusunog nilang van.

Napag-alamang, da­kong alas-5 ng umaga, binagtas ng van na may pla­kang XAA-716 ang kahabaan ng highway pa­tungo sa medical mission nang biglang magliyab ang una­hang bahagi ng sasakyan na mina­maneho ni Ronald.

Kaagad na inihinto ni Ronald ang van upang maka­iwas sa tiyak na kapa­hamakan, subalit habang sila ay lumalabas ay dinilaan ng apoy ang kamay si Ret­chel at nagtamo ito ng 2nd degree burn.

Namataan din ng mga residente ang white lady na lumabas ng van kasabay ng mag-iina, gayon pa man, nang tanu­ngin ang mga biktima ay sinabi nilang wala naman silang kasama na ibang babae, subalit gumapang ang kilabot sa kanilang katawan sa bi­nang­git sa kanila tungkol sa white lady. (Tony Sandoval)

Show comments