Matapos ang Ramadan, muling naghasik ng terorismo ang Moro Isla mic Liberation Front (MILF) renegades kung saan sinalakay ang isang komunidad na ikinasawi ng dalawang rebelde at isang sibilyan sa Lake Sebu, South Cotabato, ayon sa ulat kahapon.
Sinabi ni P/Senior Supt. Robert Kuinisala, South Cotabato police director, umatake ang grupo nina MILF Commander Castro at Barrientas sa Brgy. Ned, Lake Sebu.
Hinaras din ng mga rebelde ang grupo ni Kagawad Enbad ng Indigenous People Society (IPS) sa Lower Silaban, Brgy. Ned.
Agad namang nagresponde ang pinagsanib na elemento ng militar at pulis ya na nakipagpalitan ng putok sa umaatakeng mga rebelde hanggang sa mapatay ang 2 MILF na inaalam pa ang pagkakakilanlan habang minalas naman tamaan ng ligaw na bala ang evacuee na si Esing Taisig, 45.
Napilitan naman magsitakas ang MILF rebs patungo sa direksyon ng Sitio Kabasalan matapos na malagasan. (Joy Cantos)