^

Probinsiya

18 kampon ni Kato utas sa AFP

- Joy Cantos -

Umaabot sa 18 kawal ni Moro Islamic Liberation Front Commander Ameril Ombra Kato, ang iniulat na napaslang sa loob lamang ng tatlong araw na sagu­paan sa tatlong bayan ng Maguindanao, ayon sa ulat kahapon.

Sa phone interview, ito ang kinumpirma kahapon ni Col. Marlou Salazar, Commander ng Army’s 601st Brigade  sa phone interview.

“It’s the group of Commander Kato, were engaging in a battle near Ligua­san Marsh area, they suffered heavy casualties in the fighting,” pahayag ni Salazar.

Si Commander Kato ay wanted sa batas at may pa­tong sa ulo na P10 milyon dahil sa pananakop ng 15 ba­rangay sa 7-bayan sa North Cotabato noong unang bahagi ng Agosto 2008.

Kabilang sa mga napa­tay na tauhan ni Comman­der Kato ay sina Tatukan Babawi, Pahad Faisal, Nasrudin Faisal, Muslimen Tiyaw,  Montato Abu Hai­der Sulaiman at ang iba ay pa­wang inaalam pa ang pag­kakakilanlan.

Sa pitong oras na bak­bakan ng  64th Infantry Battalion at 105th Base Command ng MILF sa kagu­ba­tan ng Sitio Ga­wang, Baran­gay Daplawan sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan ay siyam na rebeldeng MILF ang na­paslang.

Pitong MILF rebs na­man ang napaslang sa pag­­pa­pakawala ng militar ng artillery fire sa magubat na ba­hagi ng Barangay Tee sa bayan ng Datu Piang sa Maguindanao noong Mar­tes ng umaga.

Samantala, dalawa pang MILF renegades ang na­paslang sa bahagi na­man ng Barangay Muslim, Datu Piang. Sinabi pa ng opisyal na  narekober ng militar ang siyam na bang­kay ng mga kalaban ha­bang ang iba pa base sa kanilang intelligence report ay binitbit sa kanilang pagtakas.

Kaugnay nito, bandang alas-8:30 naman kaha­pon ay nakasagupa ng Army’s 40th Infantry Battalion (IB)  ang mga MILF renegades kaya muling sumiklab ang giyera sa bahagi ng Brgy. Dunguan, Aleosan, North Cotabato.

BARANGAY MUSLIM

BARANGAY TEE

BASE COMMAND

COMMANDER KATO

DATU PIANG

DATU SAUDI AMPATUAN

INFANTRY BATTALION

MAGUINDANAO

NORTH COTABATO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with