^

Probinsiya

Kinidnap na resort owner pinalaya na

- Joy Cantos -

Matapos ang halos 13 araw na pagkakabihag, pinalaya na ng mga kidnapper ang bihag na resort owner nitong Sabado ng madaling-araw sa Cota­bato City.

Sa isang text message, kinumpirma ni Shariff Ka­bunsuan Provincial Police Office Director Sr. Supt. Esmael Ali ang pagpapa­laya sa bihag na si Jesus Perfecto “Boyeh” Marti­nez.

Ayon kay Ali, si Marti­nez, may-ari ng El Bimbo Resort sa Linek Beach sa Datu Odin Sinsuat, Shariff Ka­bunsuan ay pinawalan ng mga kidnapper kung saan may report na nagba­yad ang pamilya nito ng P300,000 ransom kapalit ng kalayaan ng negos­yante.

Bandang alas-4:00 ng madaling-araw nang aban­donahin ng mga kidnapper si Martinez sa bisini­dad ng isang supermarket sa Cota­ bato City.

Sinabi ni Ali na napilitan ang mga kidnapper na pa­layain ang bihag bunga na rin ng matinding pressure sa search and rescue operations ng pinagsanib na ele­mento ng pulisya at militar.

Si Martinez ay kinidnap ng ti­na­tayang 10 armadong ka­­lala­kihan noong Setyem­bre 8 habang lulan ito ng be­hi­kulo galing sa El Bimbo Resort.

vuukle comment

ALI

COTA

DATU ODIN SINSUAT

EL BIMBO RESORT

ESMAEL ALI

JESUS PERFECTO

LINEK BEACH

MARTI

PROVINCIAL POLICE OFFICE DIRECTOR SR. SUPT

SHARIFF KA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with