^

Probinsiya

'Nakawan' ng loan ibinunyag

-

BALANGA CITY, Ba­taan – Malamang na ma­laking sindikato umano ang nasa likod ng nakawan ng loan sa loob ng tanggapan ng Government Service Insurance System GSIS ma­karaang mabiktima ang tatlong kawani at maku­hanan ng mahigit P300,000 na hindi nila namamalayan sa lunsod na ito.

Nabigla na lamang si Helen Escudero, 31 anyos, private secretary ni Bataan Governor Enrique Garcia Jr., nang bisitahin niya ang kan­yang GSIS e-card at nakita niya na siya ay nagkaroon ng P119,581.37 salary loan.

Ayon kay Escudero wala siyang matandaan na siya ay mayroong application loan sa GSIS. Ang tanging alam niya lamang ay ang kanyang cash advance na P7,915.06 na ki­nakaltasan siya ng P300.00 kada buwan.

Ayon pa kay Antonio Samaniego, hepe ng human resources management office, hindi lang si Escudero ang nabiktima.

Pati sina Melanie Me­dina, computer operator sa ka­pi­tolyo at isa pa na hindi pina­ngalanan na natanga­yan din ng ma­ higit P100,000.

Hiniling ni Samaniego kay GSIS Asst. Manager Luisito Manuel na sana ay mabigyan sila ng sipi ng loan balances ng lahat mga kawani na may loan sa kanilang tanggapan.

Samantala, ipinaliwa­nag naman nina Arlen Villa­nueva, Administrative Services Officer sa Bataan-Zambales GSIS at Dennis Javier, Staff Officer-lll Claim and Loan Officer. Na sa katunayan ay nag-apply si Escudero para maka­pangutang noong Sept. 18, 2006 at Sept. 19 taon ding iyon ay naaprobahan ng GSIS ang kanyang In-Hand Loan na halagang P106,400. (Jonie Capalaran)

vuukle comment

ADMINISTRATIVE SERVICES OFFICER

ANTONIO SAMANIEGO

ARLEN VILLA

AYON

BATAAN GOVERNOR ENRIQUE GARCIA JR.

CLAIM AND LOAN OFFICER

DENNIS JAVIER

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

HELEN ESCUDERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with