^

Probinsiya

P14-M project sa Basilan tinapos

-

Tagumpay na natapos ang rehabilitasyon ng Lamitan Circumferential Road at ng Tipo-Tipo Tumahubong Road projects sa Ungkaya Pukan sa Basilan sa pangunguna ng National Development Support Command ng Armed Forces of the Phils. Ang naturang mga proyekto ay nasa mga conflict affected at depressed communities kung saan ang mga residente ay hirap sa kanilang pagdadala ng mga produk­tong agrikultura at iba pang paninda papunta sa mga pa­milihang bayan. Umabot sa mahigit kumulang na P14 milyon ang ginugol sa mga pro­yek­tong ito na inaasahang makakatulong na pagaanin ang kala­ga­yan ng buhay ng mga residente mula sa Sumisip hang­gang sa Tipo-Tipo at Lamitan City. “Malaki ang pasasalamat ng aming mga kababayan sa mga development initiatives ng pamahalaan lalo na sa tulong ng AFP sa komunidad,” pahayag ni Wahid Sahi, chairman ng Barangay Amaloy, Ungkaya Pukan. Tugon naman ng AFP na mananatiling tapat sa ka­nilang mandato at gagawin ang lahat para sa seguridad at kaunlaran ng bansa.

ARMED FORCES OF THE PHILS

BARANGAY AMALOY

BASILAN

LAMITAN CITY

NATIONAL DEVELOPMENT SUPPORT COMMAND

SHY

TIPO TUMAHUBONG ROAD

UNGKAYA PUKAN

WAHID SAHI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with