Trader utas sa ambus

NUEVA ECIJA – Tinambangan at napatay ang isang 50-anyos na negosyante ng dalawang ‘di-pa kilalang kalalakihan sa Barangay San Nicolas, Gapan City, Nueva Ecija noong Biyernes ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Vicente Sta. Ines y Mendoza ng nabanggit na barangay. Sa police re­port na nakarating kay P/Supt. Marlon Bingcang, sakay ng traysikel ang biktima patungong palengke sa Likod Bayan Street para magbukas ng tindahan nang harangin at ratratin bandang alas-5 ng umaga. Patuloy naman ang imbestigasyon sa naga­nap na krimen. – Christian Ryan Sta. Ana

Cameraman ng ABS-CBN natodas

Natodas ang isang cameraman ng ABS-CBN na nakabase sa Bacolod City makaraang sumemplang ang minamanehong motorsiklo sa Ayala Highway sa Talisay City, Negros Occidental noong Biyernes ng gabi. Sa phone interview, kinilala ni P/Senior Supt. Thomas Joseph Martir, ang biktima na si  Rodolfo Burgas Jr., 33, ng Purok Malinong, Brgy. 13. Sa police report, nag-overtake ang motorsiklo ng biktima sa bisikleta ni Jerry Butanas hang­gang sa sumemplang at sumalpok sa poste ng kuryente.  – Joy Cantos

Show comments