Lady announcer nalibing sa landslide
Isang lady announcer ang iniulat kahapon ng Office of Civil Defense (OCD) na ka bilang sa 13-katao na kumpirmadong nasawi na nakuha na ang mga bangkay habang marami pa ang nawawala sa dalawang insidente ng landslide sa Barangay Masara, Maco noong Sabado ng hapon at kamakalawa sa Compostela Valley.
Ayon sa ulat, si Kiketh Anquera, 18, kasama ang kanyang ama na si Brgy. Chairman Jovencio Anquera at tatlong kapatid ay kabilang sa nalibing ng buhay.
Napag-alamang si Kiketh ay nakilala sa programa sa Radyo Ukay-Tagum City sa Davao del Sur dahil sa kan yang pang-umagang paghahatid ng showbiz balita at working student ng University of Mindanao na may ambisyong makapagtapos sa kursong Bachelor of Science in Accounting.
Inihayag ni Major Armand Rico, regional spokesman ng AFP, naganap ang unang landslide dakong alas-3:30 ng hapon noong Sabado sa Brgy. Masara na nasundan ng isa pang trahedya bandang alas-3 ng madaling-araw noong Linggo.
Samantala, nagmistulang libingan ang Brgy. Masara matapos na magsilikas ang mga residente dahil sa pangambang maulit pa ang landslide bunsod ng patuloy na pag-ulan.
Umaabot naman sa 72-kabahayan ang nawasak at lima pa ang nagtamo rin ng pinsala habang naitala rin ang mas maraming naging biktima ng landslide kabilang ang mga survivor sa trahedya kung saan umaabot sa 50 bahay ang natabunan ng lupa. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending















