Saku-sakong 'damo' nasabat

TUBLAY, Benguet — Isang truck ng pinatuyong dahon ng marijuana na pa­tungong Baguio City ang nasabat ng mga awtoridad noong Sabado ng umaga sa checkpoint sa Barangay Acop sa bayan ng Tublay, Benguet.

Ayon kay SPO4 Romeo Abordo ng PDEA-Cordillera, aabot sa 39 na sako ng kontrabando na tumitim­bang ng 946 kilos ang na­samsam

Ang nasabat na kontra­bando na nagkakaha­l­a­gang P23,662,500 ay pi­nanini­walaang ipagbibili sa labas ng Baguio City, ayon kay P/Chief Eugene Martin, Cordillera police director.

Nasakote naman ang drayber ng Isuzu Elf truck (XCK832) na si Eugene Lingaling, 26, tubong Sag­pat, Kibungan.

Ang pagkakasabat sa kontrabando ay bunsod ng impormasyong natanggap ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agen­ cy (PDEA) at ilang pulis-Ben­guet.

Ayon naman kay Vi­cente Sotto III, chairman ng Dangerous Drugs Board, 50 porsiyento ng marijuana na ipi­na­kakalat sa bansa ay nang­­gagaling sa kabun­dukan ng Cordillera. Andy Za­pata Jr. at Arte­mio Dumlao

Show comments