OIC ng TESDA itinumba
Isang opisyal ng Technical Education and Skilled Development Authority ang binaril nang malapitan at napatay sa harapan ng tanggapan ng TESDA sa Barangay San Roque, Zamboanga City kamakalawa ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Arnold Pimentel, nasa hustong gulang, Officer in Charge ng Office Administration Training Center ng TESDA.
Ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng bala sa likurang bahagi ng kaniyang ulo.
Ayon sa imbestigasyon, nakatayo at nakikipag-usap sa isang babae sa harapan ng tanggapan ng TESDA si Pimentel nang biglang sumulpot ang salarin na sakay ng isang motorsiklong walang plaka.
Pagtapat ng suspek sa bik tima ay bigla na lamang pinagbabaril ng una ang huli bago tumakas. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending