CEBU — Sampung taong pagkakulong ang inihatol ng mababang korte laban sa isang peanut vendor na napatunayang nagnakaw ng kuwintas noong Marso 2007 sa Cebu City.
Si Admond Ramoya na hindi dumadalo sa itinakdang court hearing sa kaso at walang naiprisintang anumang testigo para pabulaanan ang paratang laban sa kanya ay hinatulan ni Judge Estella Alma Singco ng Regional Trial Court Branch 12.
Kinasuhan si Ramoya ng magreklamo sa pulisya si Phitcy Villariasa, na nahablutan ng kuwintas habang naglalakad sa kahabaan ng P. del Rosario Street noong March 30, 2007.
Sa follow-up operation nasakote si Ramoya subalit nagpiyansa at matapos na isampa ang kaso sa korte ay hindi na ito nakadalo pa sa mga pagdinig.
Nagpalabas na ng warrant of arrest ang korte laban kay Ramoya. Freeman News Service