2 inutas sa panabong na manok

ORMOC CITY, Leyte – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang magka­ibi­gang lalaki ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan sa bisinidad ng Isla Verde, Barangay Dist. 26, Ormoc City, Leyte noong Martes ng gabi. Kinilala ni P/Senior Insp. Joseywells Estopen, officer-in-charge ng PCP1,   ang mga biktimang sina Joshua Dela Rosa y Za­carias, 25,  ng Puntaville,  Brgy. Linao, at Jerome Panta y Ploma, 19.

Sa police report, naga­nap ang krimen sa bahay ng syota ni Joshua na si Ge­raldine Goron, 21. Na­pag-alamang nagpakila­lang raiding team ang mga suspek saka pinadapa ang dalawa kung saan isina­gawa ang pamamaslang.

 Sinisilip ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa panabong na manok ang isa sa motibo ng kri­men. Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng 9mm pistol. Roberto Dejon

Show comments