Pulis binoga ng ex-pulis, patay
Napuruhan sa ulo at dibdib ang biktimang si PO3 Dexter Apolinar, 34, ng Maderal Compound, Barangay Balola, Lucban, Quezon at nakatalaga sa Provincial Special Operations Group (PSOG). Sumuko naman sa pulisya ang suspek na si ret. SPO1 Alejandro Anola, 52, ng nabanggit ding barangay.
Ayon sa police report, nasa mainitang pagtatalo si Anola at Jojie Intal nang tangkaing awatin ni PO3 Apolinar bandang alas-10:45 ng gabi. Napag-alaman na nagalit si Anola sa pakikialam ni Apolinar hanggang sa mabaril ito ng retiradong pulis. Pormal naman kinasuhan ang suspek habang nakakulong sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Lucban. Arnell Ozaeta
Mag-ama todas sa ambus
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Isang 51-anyos na retiradong sarhento ng Philippine Air Force at anak nitong binata ang iniulat na napatay makaraang tambangan ng dalawang ‘di-pa kilalang lalaki sa kahabaan ng highway sa Barangay Sampaga, Balayan, Batangas kamakalawa ng umaga. Kinilala ni P/Chief Inspector Romeo Baleros, hepe ng Balayan police, ang mag-amang ex-T/Sgt. Dionisio Villamin, at anak nitong si Andy Boy Villamin, 24, kapwa residente ng Barangay Talisay, Calatagan, Batangas. Sa police report, sakay ng kanya-kanyang motorsiklo ang mag-ama nang ratratin bandang alas-10 ng umaga. Isinugod pa sa
20 tiklo sa illegal fishing
CAMARINES NORTE – Kalaboso ang binagsakan ng dalawampu-katao makaraang maaresto ng mga tauhan ng 503rd PNP Maritime Group sa operasyon ng illegal fishing sa mga bayan ng Vinzons, Jose Panganiban at sa Barangay Bagasbas sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa. Kabilang sa mga suspek na kinasuhan ni P/Senior Insp. Renato R. Alfante, ay sina Onie Mancilla, Dennis Perante, Erwin Pascual, Romnick Varquez, Eduardo Bacar, Rico Mangcayang, Noel Demesi, Virgilio Abordo, Eugene Abordo, Philip Abordo, Dario Talento, Erwin Oreste, Juan Montes, Jeno Alteza, Ramil Rondo, Renz Arevalo, Lito Billarondo, Jenky Aguilar, Jojo Florendo at Joselito Aldana. Nasamsam sa mga suspek ang ilang gamit sa illegal fishing tulad ng dinamita. Francis Elevado
5 arestado sa droga
Lima-katao na pinaniniwalaang miyembro ng sindikatong nagpapakalat ng bawal na gamot ang nadakma ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang magkasunod na operasyon sa
- Latest
- Trending