Tinedyer utas sa van ng kongresman

Isang 17-anyos na bi­natilyo ang iniulat na na­sawi habang sugatan na­man ang kasama nito ma­ka­ raang salpukin ng solon’s van ang motorsiklo ng mga biktima sa national highway na sakop ng Barangay Bil-loca sa Batac City, Ilocos Norte noong Linggo ng gabi.

Sa police report na na­kalap ng GMA news, kini­lala ng pulisya ang namatay na si Jasper Ta­riga, 17, ha­bang naisugod naman sa Mar­iano Marcos Memorial Hospital ang su­gatang si Ro­derick Obien, 17, na kapwa sa­kay ng motorsiklo mula sa lamay ng kanilang kapit­bahay.

Wala namang iniulat na nasu­­gatan sa Toyota Gran­dia van na sinasakyan nina Ilo­cos Norte Rep. Roque Ablan Jr., driver na si PO3 Romeo Galit at tatlong iba pa.

Napag-alamang buma­bagtas ang van ng solon pauwi sa Laoag City mula sa Maynila nang mahagip ang motorsiklo ng dalawa

Ayon kay P/Supt. Ro­gelio Gaño, hepe ng Batac City PNP, biglang kumaliwa ang motorsiklo ng dalawa patu­ngo sana sa city proper kaya nahagip ng van.

Kinumpirma naman ng pulisya na walang plaka, ilaw sa harapan at likod ng motor­siklo at wala ring lisensya ang drayber.

Kinumpirma rin ng pu­lisya na kapwa senglot ang da­la­wa nang maganap ang road mishap.

Nagkasundo naman ang magkabilang partidos na hindi magsasampa ng mga kaso laban sa isa’t isa, sa­mantalang nangako na­man si Rep. Ablan na mag­bi­ bigay ng tulong pi­nan­siyal sa pa­milya ng naulila.

Show comments