^

Probinsiya

Magsasaka utas sa kidlat

-

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City  – Napaaga ang salu­bong ni kamatayan  sa isang magsasaka makaraang tamaan ng matalim na kidlat habang nag-aani ng palay na ikinasugat naman ng malubha ng anim iba pa kamakalawa ng hapon sa Zone 7, Ba­rangay San Isidro sa bayan ng Magarao, Camarines Sur. Na­isu­god pa sa Bicol Medical Center subalit idineklarang patay si Semion Tolete, samantala, sugatan naman sina Moises Tolete, Dondon Ocampo, Edgardo Prado, Domingo Bulda, Raul Bena­vida at si Rany Benavida na pawang residente ng Barangay Sto. Tomas. Base sa police report, naitala ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon kung saan bumuhos ang malakas na ulan habang magkakasamang ginagapas ng mga biktima ang palay. Ed Casulla

P1.5-M pondo sa 14 barangay

ZAMBALES – Tinatayang aabot sa P1.5 milyong pondo ang naipamahagi sa labing-apat na barangay na miyembro ng Fede­rated Masinloc Farmers Multi-Purpose Cooperative para sa mga magsasaka sa ginanap na seremonya sa bayan ng Masinloc, Zam­bales kamakalawa. Ayon sa pangulo ng nasabing koope­ratiba na si Raymundo Epay malaking tulong ang donasyon ng Arturo Castro Jalata Foundation Inc., para umangat ang ani ng mga magsasaka. Kabilang sa mabibiyayaan ng  nasabing pondo ay ang mga Barangay Bulawen, Tatal, Bani, Bulaganon, Culiat, Tapuac, Sta. Rita, Poblacion North, Poblacion South, Inhobol, Bam­ban, Sto. Rosario, San Lorenzo at ang Barangay San Salvador. Sinabi naman ni Asenia Lim, Chairman of the Board ng Compania Minera Tubajon, Inc. na nag-ooperate sa bayan ng Coto, Zambales at siyang bumuo ng nasabing foundation na ang donasyon ay alinsunod sa panawagan ni Zambales Governor Amor Deloso na dapat makinabang ang mamamayan sa anu­mang negosyo at yaman ng lalawigan. Bukod sa tulong pinan­syal ay nagbibigay din ng educational assistance sa pamamagitan ng  scholarship, livelihood program-micro finance, social services, hospitalization, medical mission at Environmental programs katu­lad ng reforestation at biological diversity enhancement. Alex Galang

vuukle comment

ALEX GALANG

ARTURO CASTRO JALATA FOUNDATION INC

ASENIA LIM

BARANGAY BULAWEN

BARANGAY SAN SALVADOR

BARANGAY STO

BICOL MEDICAL CENTER

CAMARINES SUR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with