‘Bawal dumura’ sa Isabela
ILAGAN, Isabela – Upang mapigilan ang pagkalat ng sakit tulad ng tuberculosis, ipinagbawal na ng lokal na pamahalaan ng Ilagan, Isabela ang pagdura sa pampublikong lugar.
Ito ang ordinansang ipinasa ng town council na ipinagbabawal na dumura sa mga pampublikong lugar tulad ng eskuwelahan, terminal ng pampasaherong sasakyan, pamilihang bayan, simbahan at mga restaurant.
Ayon kay Councilor Margarette Chin, ang anti-spitting ordinance ay pinanukala para mapigilan ang pagkalat ng anumang nakahahawang sakit mula sa dura.
“Aside of being an eyesore and unsanitary, spitting may also caused the spread of communicable diseases like tuberculosis. (the ordinance aims) to prevent people spitting all over the place which is not only an eyesore but also unhealthy,” paliwanag ni Chin.
Kasalukuyang nagsasagawa ng massive information and awareness campaign ang lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Jose Marie Diaz para maipaabot sa mga residerte ang kauna-unahang ordinansa ng isa sa pinakamalaking munisipalidad sa North Luzon.
Iniatang naman sa kapulisan at civilian marshals ang pagpapatupad ng nasabing ordinansa sa may 80 barangay at sinumang lumabag ay papatawan ng P50 multa kada paglabag.
Sinuportahan naman ng mga residente ang kakaibang ordinansa sa kanilang bayan upang lalong makaakit sa turismo at mga negosyante. Charlie Lagasca
- Latest
- Trending