Anak inutas sa palo ng ina

CAVITE – Dahil sa matinding depresyon at pagkaaburido sa buhay, nagawang pagpapaluin sa ulo hanggang sa napas­lang ang isang 10-anyos na anak ng sariling ina sa Barangay Banay-Banay sa bayan ng Amadeo, Ca­vite kahapon ng umaga.

Ang biktima na du­guang inabandona ay nakilalang si Joel Ro­sales ng Ba­ rangay 6 sa nasabing bayan habang naaresto naman ng pu­lisya ang suspek na si Vilma Ro­sales, 44.

Pinaniniwalaang kahira­pan din kaya nagkahiwalay ang mag-asawang Vilma Rosales at Ruben Rosales Jr. na mga magulang ng biktima.

Sa inisyal na imbesti­gasyon ni PO1 Mel John Angcao, lumilitaw na sa­pilitang dinala ng suspek ang biktima sa isang ka­rinderya kung saan hina­nap naman ng ama dahil hindi nito nadatnan sa ka­nilang bahay.

Lumilitaw na sapilitang dinala ng suspek ang bata sa isang karinderya at doon isinagawa ang kri­men.

Bandang alas-10 ng umaga nang matagpuan ni Ruben ang kanyang anak na duguang naka­han­dusay sa gilid ng ka­rinderya.

Sa paunang pagsusuri ng mga awtoridad, luma­bas na may palatandaang pinahirapan muna bago pinagpapalo ng kahoy sa ulo ang bata.

Posibleng hindi na sampahan ng kaukulang kaso ang suspek dahil sa may diprensya sa pag-iisip bagkus dadalhin na la­mang sa National Hospital for Mental Patience. Cristina Timbang

Show comments