^

Probinsiya

Lola sinunog ang sarili

- Joy Cantos -

Pinaniniwalaang kahira­pan at depresyon sa buhay kaya sinilaban ng isang 84-anyos na lola ang sariling katawan kung saan nada­may na nasunog ang kan­yang bahay sa bayan ng Hi­nigaran, Negros Occidental kahapon ng mada­ling-araw.

Kinilala ng pulisya ang biktimang biyuda na si Flora Espino na nag-iisang naninirahan sa liblib na bahagi ng Sitio Calverio sa Barangay Pilar, Hinigaran.

Sa report ng Negros Occidental Provincial Police Office na isinumite sa Camp Crame,  naganap ang insidente dakong alas 12:15 ng madaling-araw kung saan  ang biktima  mismo ang sumunog sa kanyang bahay.

Lumitaw sa imbesti­gasyon na inipon ng ma­tanda ang kanyang mga kagamitan sa loob ng ba­hay saka tinambakan ng mga damit  ang sarili  upang makasamang lamunin ng apoy.

Napag-alamang nang­hi­hingi lamang ng maka­kain na halos magpalimos na ang matanda sa kani­yang mga kapitbahay.

May teorya rin ang pu­lisya at tinitingnan na ma­tin­ding depresyon ng ma­tanda matapos paslangin ang anak nito ng mga di-pa kilalang kalalakihan.

vuukle comment

BARANGAY PILAR

CRAME

FLORA ESPINO

NEGROS OCCIDENTAL

NEGROS OCCIDENTAL PROVINCIAL POLICE OFFICE

SHY

SITIO CALVERIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with