Misis, lover naaktuhan ng mister
Dahil sa pakikialam sa asawa ng iba, kalaboso ang binagsakan ng isang 28-anyos na traysikel drayber na kinasuhan ng panganga lunya ng isang negosyante makaraang arestuhin ng mga operatiba ng Special Action Tracking Team at Criminal Investigation and Detection Group sa bisinidad ng Barangay Nibaliw, Mangaldan, Pangasinan.
Sa bisa ng warrant of arrest na may petsang Agosto 8 na inisyu ni Judge Bernardita J. Santos ng Manila Metropolitan Trial Court Branch 22, arestado ang suspek na si Jaime Barrozo ng nabanggit na barangay at pansamantalang naninirahan sa #1112 Laguna St., Extn. Molave, Tondo
Samantala, pinaghahanap naman ng pulisya sa pamumuno ni SP2 Pacifico
Bukod sa kasong concubinage at adultery, nahaharap din sa kasong robbery ang mga suspek na isinampa sa korte ni Jessie Magnaye, 50, mister ni Yolanda Magnaye.
Ayon sa pahayag ni Jessie, nagsilbing service tricycle driver nila si Barrozo subalit hindi niya akalain, na pinakialaman nito ang kanyang misis na si Yolanda.
Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon, nakatanggap ng impormasyon si Jessie mula sa ilang kapitbahay na magkalaguyo na ang dalawa, kung kaya’t nagmanman ito. Dito na natuklasan ni Jessie na pumasok ng hotel ang magkalaguyo noong Marso 28 ng madaling-araw saka lumabas sakay ng kotse (UPP421).
Ayon sa ulat, binalak na maghiganti ni Jessie laban sa magkalaguyo subalit nanahi mik lamang para hindi madungisan ng dugo ang kanyang mga kamay at minabuting magsampa ng kaukulang kaso. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending