Mag-asawa, anak inutas ng MILF

KIDAPAWAN CITY – Pinagbabaril hang­gang sa mapatay ang mag-asawang ma­tan­da ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front at isinunod na­man patayin ang anak makaraang gawing human shield laban sa tumutugis na tropa ng militar sa liblib na ba­hagi ng Barangay Ta­kepan sa bayan ng Pikit, North Cotabato, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala  ni AFP- Eastern Mindanao Command Spokesman Major Armand Rico, ang  mag-asawang Lu­cio Pano, 78 at  Isidra, 60, kapwa magsasaka.

Kinumpirma naman kahapon ni P/Senior Elias Dandan, police chief ng Pikit PNP, na natagpuan na ang bangkay ng nawawa­lang anak ng mag-asawa  na  si  Dulce­simo “Dulce” Pano, 39 at ma­ging ang mga bangkay ng mag-asa­wa sa bisinidad ng Brgy. Tulunan.

Napag-alamang si­na­lakay ng mga MILF rebs ang nabanggit na barangay kung saan ginawang human shield ang mag-anak bunsod upang mag­silikas ang may 500 residente sa lugar.

Nabatid na ang mag-anak ay binihag nang tumatakas na grupo ni 105th Base Commander Ameril Umbrah Kato sa kaini­tan na rin ng clearing operations ng militar kamakalawa.

Samantala, bukas na sa mga motorista ang Midsayap-Pikit Highway sa North Co­tabato matapos ang clearing operations, simula kahapon.

Show comments