BATAAN – Dalawang banyagang kalalakihan ang bumagsak sa kulungan makaraang masakote sa kasong pagnanakaw sa isang supermarket sa Barangay Poblacion, Balanga City, Bataan kamakalawa ng gabi.
Pormal na kinasuhan ang dalawang suspek na mula sa bansang Turkey na sina Turgut Kaya at Yusuf Cavusogullari, kapwa naka-check-in sa sa Copacobana Apartelle sa Pasay City.
Sa ulat ni P/Senior Supt. Manuel Gaerlan, Bataan police director, ang dalawa ay naaktuhan ng security guard na ibinulsa ang malaking halaga mula sa drawer ng cashier ng supermarket.
Posibleng ginamitan ng hipnotismo ang kahera kaya hindi nito napuna pagnanakaw ng dalawa. (Jonie Capalaran)