Zambales no. 1 sa maternal death

Nangunguna sa pitong probinsiya ng Central Lu­zon ang lalawigan ng Zam­bales sa bilang ng mga buntis na namamatay sa pa­nganga­ganak nang mag­tala ito ng 59 deaths, pumangalawa ang Bataan, 50 deaths, pa­ngatlo ang Pampanga, 34 deaths, Bu­lacan, 24; Aurora, 22; Nueva Ecija, 19; Tarlac, 11 at 28 sa regional/district hospitals noong taong  2007.

Base ito sa ulat ng Department of Health Region-3 na nagsabing uma­abot sa 247 ina ang na­sawi sa pa­nganga­ nak o maternal mortality rate per 100,000 live births  mula  sa pitong la­lawi­gan sa Central Luzon na na­itala sa mga pri­bado at os­pital ng gobyerno.

Nabatid pa mula kay Region-3 DOH Director Dr. Rio Magpantay na isa sa mga sanhi ng naturang kamata­yan ng expectant mothers ay ang pagdurugo dahil sa hindi sila nadadala sa ospital at sa bahay na lamang nag­sisilang na kadalasa’y may kasa­ mang hilot o koma­drona.

Ayon pa sa ulat, mai­iwa­san ang pagtaas ng bilang ng mga namamatay na buntis kung alam ng mga ina ang pa­raan ng pag-aalaga sa sarili  pati na ang maagap na pagko­konsulta sa kani-ka­nilang duktor at kung walang  perang gagastusin ay meron namang mga district hospital na libre para magpa-kon­sulta. (Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments