^

Probinsiya

Mag-iina minasaker

-

Lima katao kabilang ang apat na miyembro ng isang pamilya ang nasawi nang pagtatagain sila ng isang la­lakeng hinihinalang may diperensya sa isip sa  Ati­mo­nan, Quezon kamaka­lawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na pawang tadtad ng mga taga sa katawan na sina Elizabeth dela Torre, 27 anyos; mga anak nitong sina Eliza, 3 anyos; Arvin, 5, at Aiselyn Nicole, 4 bu­wang gulang na sanggol; at ang kapitbahay ng pamilya na si Rosemarie San Juan, 12 taong gulang.

 Nadakip naman ng mga awtoridad kinalaunan ang suspek na si Mario Banal.

Dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang karumaldumal na krimen sa masukal na bahagi ng  Barangay Malusak sa Ati­monan.

 Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na ang mga biktima galing sa isang peryahan nang ha­rangin ni Banal na armado ng  matalim na itak.

Bigla na lamang uma­nong nanlisik ang mga mata  ni Banal bago su­nud-sunod na hinataw ng taga ang mga biktima sa kabila ng pag-iiyakan ng mga ito.

Hanggang sa kasalu­kuyan, patuloy na inaalam ng mga imbestigador ang mo­tibo ni Banal sa pag­masaker sa mga biktima.

Gayunman, hindi maka­usap nang maayos ang suspek  dahil sa paiba-iba nitong sagot sa mga kata­nungan na sinabing hindi niya rin batid kung bakit pinaslang niya ang mga biktima.

vuukle comment

AISELYN NICOLE

ATI

BARANGAY MALUSAK

MARIO BANAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with