^

Probinsiya

P8.5-M nadale sa fishkill

-

BATANGAS  – Tinata­yang aabot sa 100 fish cages ang sinalanta ng fishkill sa dalawang barangay sa Taal Lake sa bayan ng Agoncillo, Batangas nitong nakalipas na mga araw, ayon sa mga opisyal ng Bu­reau of Fisheries and Aqua­tic Resources (BFAR). 

Sa panayam ng PSNgayon kay Rosario Del Mundo, officer-in-charge ng Provincial Fishery Office ng BFAR sa Region 4A, naglu­tangan ang mga is­dang tilapia at bangus sa mga fish cages na sakop ng mga Barangay Sandal Bato at Manalao simula pa noong Sabado ng July 26 hang­gang 28.  

Umaabot sa 124.12 metric tons na isda ang naapek­tuhan ng fishkill na nagkaka­halaga ng P8.5 milyon sa nabanggit na lugar.

Base sa report ng BFAR, ang biglang pagba­bago ng hanging habagat ang nag­dulot ng paglutang ng hydrogen sulfide mula sa ilalim ng mga baklad na naging sanhi ng pagka­ubos ng oxygen na ikina­matay ng tone-tonela­dang isda.

Patuloy naman ang pag­baklas sa mga baklad para dumaloy ang tubig sa lawa ng Taal at makontrol ang pa­na­nalasa ng fishkill. (Arnell Ozaeta)

AGONCILLO

ARNELL OZAETA

BARANGAY SANDAL BATO

BATANGAS

FISHERIES AND AQUA

PROVINCIAL FISHERY OFFICE

ROSARIO DEL MUNDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with