CALUMPIT, Bulacan – Pinaniniwalaang pulitika ang isa sa motibo kaya tinambangan at napatay ang dating alkalde sa Pampanga ng mga di-pa kilalang kalalakihan sa bahagi ng Barangay Poblacion sa bayan ng Calumpit, Bulacan kahapon.
Anim na bala ng baril ang tumapos sa buhay ni ex-Apalit, Pampanga Mayor Tirso Lacanilao, 60, habang nakaligtas naman ang bodyguard nitong si Armar Del Mural na nasa likurang bahagi ng sasakyan.
Napag-alamang si Lacalinao na kaanib ng KAMPI at naging mayor noong 1998 hanggang 2007 ay pinaniniwalaang presidente at manager ng Chanmamel Manpower Service na nagpapasok ng mga trabahador sa Nestle Phils. sa Barangay Dampol 2nd.
Sa inisyal na ulat ni SPO2 Edgardo Reyes na isinumite kay P/Senior Supt. Allen Bantolo, Bulacan provincial director, lumilitaw na bandang alas-2:20 ng hapon nang iparada ng biktima ang kanyang Mitsubishi Gallant (UHA-169) sa gilid ng gaso linahan sa kahabaan ng MacArthur Highway.
”Parang may hinihintay ang biktima kaya pumarada sa gasolinahan,” pahayag ng hepe ng Calumpit PNP na si P/Supt. Jesus Reyes dahil sa halos may limang minutong nakaparada sa Shell Gas Station sa MacArthur Highway nang dikitan at pagbabarilin ng isa sa dalawang lulan ng motorsiklo.
“May kausap na babae si mayor, pero bala ang sumalu bong sa amin,” pahayag ni Del Mural.
Iginiit din ni Del Mural na malaki ang posibilidad na pulitika ang isa sa motibo sa pagpatay sa kanyang amo dahil may dalawang linggo na nilang napansin na may umaaligid sa kanila. (Dagdag ulat ni Joy Cantos)