Malagim na kamatayan ang sinapit ng apat na mag-iina makaraang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Dumaguit sa bayan ng New Washington, Aklan kahapon ng madaling-araw. Kabilang sa mga biktimang nasawi ay sina Leah Distajo, 41; Paul Kevin, 12; Patricia Gaile, 10; at si Eduard Distajo Jr., 4. Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection ng Kalibo, Aklan mahimbing na natutulog ang mga biktima sa loob ng kanilang tahanan nang maganap ang sunog. Wala naman ang mister ni Leah dahil may inaasikaso ito sa Roxas City, Capiz. Nadamay din sa sunog ang opi sina ng Philippine Coast Guard na bahagyang pinsala. Naapula naman ang sunog dakong alas-5 ng umaga matapos na magresponde ang mga bumbero. Joy Cantos