Misis tsinap-chop ng selosong mister

CAVITE — Matinding selos ang nagtulak sa isang 53-anyos na mister para kata­yin niya ang sariling misis sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Maduya, Carmona, Cavite, ayon sa ulat ng pulisya.

Kinilala ng pulisya ang bik­tima na si Cristina Naval, 50, negosyante, samantalang ang suspek na pormal na kina­suhan habang nakapiit ay si  Agapito Naval, kapwa tubong-Eastern Samar at residente ng #9696 Ginto Street ng na­banggit na barangay.

Ayon kay SPO2 Marcelo Bersamina, natagpuan ang tsi­nap-chop na kalahating kata­wan ng biktima sa poso negro ng bahay ng mag-asawa habang ang kalahati naman ay nakalagay sa kahon at itinapon sa bisinidad ng Susan Heights Subd. sa Muntinlupa City.

Napag-alamang nadis­kubre ang krimen noong Sabado ng umaga matapos na magtungo ang anak na lalaki ng biktima para mag-usisa sa kalagayan ng kan­yang ina dahil may ilang araw na itong hindi bumabalik kung saan napaulat na nagtungo raw sa Baguio City.

Matapos makarating sa kaalaman ng pulisya ang na­diskubreng krimen ay nagsa­gawa ng follow-up operation hanggang sa masakote ang suspek sa Barangay Tagapo, Sta. Rosa City, Laguna.

Inamin ng suspek ang bru­tal na krimen dahil sa matin­ding selos sa kanyang misis sa paniniwalang may ibang karelasyong lalaki. Cristina Timbang at Ed Amoroso

Show comments