^

Probinsiya

Gapo masaker: 3 Koreano inutas

- Ni Alex Galang -

OLONGAPO CITY ­— Brutal na kamatayan ang si­napit ng mag-iinang Koreano na pinaniniwalaang hinalay muna bago kinatay ng mga di-pa kilalang kalalakihan sa loob ng kanilang bahay sa liblib na bahagi ng resettlement  area sa Sitio Kakilingan, Barangay New Cabalan, Olongapo City kahapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Abelardo Villacorta, ang mga biktimang sina Chang Suk, 54; Yo Sun, 35, at ang anak nitong si Hanuel Beak, 10, grade 3 sa isang eskuwela­han sa Subic Bay Freeport.

Samantala,  himala naman nakaligtas ang isa pang anak ni Sun na si Sang Che Beak.

Nabatid sa ulat ng pulisya na kontratista ang ama ni Yo Sun sa Hanjin Industry sa Subic Bay.

Sa inisyal na imbestigas­yon  ni P/Senior Insp. Orlando Reyes ng Police Community Pre­cinct 4, lumilitaw na pag­nanakaw ang pangunahing motibo dahil nagkalat ang ibang gamit sa aparador at nawawala ang malaking halaga at ilang personal na gamit ng mga biktima.

May palatandaan ding hi­nalay ang mag-inang Koreano dahil walang saplot sa iba­bang bahagi ng kanilang kata­wan nang matagpuang naka­handusay  sa kama.

Napag-alaman ng pulisya na dumaan sa bukas na bin­tana na may aircon ang mga magnanakaw kaya naisa­gawa ang krimen.

Posibleng isinagawa ang krimen sa pagitan ng alas-12 hang­gang alas-3 ng mada­ling-araw habang bumubuhos ang malakas na ulan at walang tigil na pagkahol ng aso.

Sinabi pa ni Villacorta na bago ang insidente ay naka­ka­tangap ng pagbabanta sa buhay ang mga biktima mula sa mga di-pa kilalang kalala­kihan kaugnay sa hinihinging malaking halaga.

Nagsasagawa na ng fol­low-up operation ang pulisya para matukoy ang mga killer.

ABELARDO VILLACORTA

BARANGAY NEW CABALAN

PLACE

SHY

YO SUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with