NPA, MILF nanabotahe sa Cotabato

KIDAPAWAN CITY — Ni­lusob ng mga rebeldeng New Peoples’ Army ang outpost ng Cafgu sa Barangay Lam­pa­gang sa bayan ng Tulunan, North Cotabato, kamakalawa ng tang­hali. Tu­magal ng 30-mi­­ nuto ang palitan ng putok ng mga sundalo laban sa uma­­takeng mga re­belde. Nagsi­atras lamang ang NPA ma­tapos mamataan ang mga rumespondeng kawal ng 57th Infantry Battalion ng Phil. Army.

Samantala, aabot na­man sa sampung bahay ang sinu­nog ang mga rebeldeng Moro Islmaic Liberation Front (MILF) sa mga lugar ng Sitio Mam­purok, Sitio Puypuyin at Ba­rangay Dualing sa bayan ng Aleosan, North Cota­bato. Patuloy naman ang clearing operations ng Army’s 40th Infantry Battalion upang itaboy ang mga rebeldeng MILF. Malu Manar at Joy Cantos

Show comments