^

Probinsiya

Sulyap Balita

-

Adik namaril; 4 malubha

LEGAZPI CITY, Albay – Apat-katao ang iniulat na  malubhang nasugatan makaraang mamaril ang isang lalaki na nagnakaw ng baril sa loob ng kampo ng Phil. Army sa Sitio Pajak, Barangay San Pedro sa bayan ng San Pascual, Masbate kamakalawa ng tanghali. Ang mga biktimang ginagamot sa San Pascual District Hospital ay sina Milagros Ballena, 60; Paulino Lu­chavez, 73; Reynante Cantillado, at si Edgar Ballena. Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Joseph Dela Torre. Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon na sina­mantala ng suspek na nanananghalian ang mga sundalo saka pumasok ng kampo at tinangay ang isang M16 Armalite rifle. Nang makasalubong ang apat na biktima ay pinagbabaril ang mga ito. May teyorya ang pulisya na adik sa droga ang suspek. (Ed Casulla)

SK chairman utas sa trak

Napaaga ang salubong ni kamatayan sa isang Sang­guniang Kabataan chairman makaraang masalpok ng trak sa bisinidad ng Barangay Nilombot sa bayan ng Asingan, Pangasinan kamakalawa. Naisugod pa sa ospital subalit hindi na umabot ng buhay si Prince Paul Piso, saman­ta­lang sumuko naman sa pulisya ang drayber ng Elf truck (REV-231) na si Narciso Ronquello Jr. Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, sakay ng Yamaha motorcycle (2409-AE) ang biktima patungong eskuwelahan nang mahagip ng trak bandang alas-7 ng umaga. (Danilo Garcia)

P30M ari-arian naabo

Tinatayang aabot sa P30 milyong ari-arian ang naabo makaraang masunog ang apat na malalaking bahay sa Barangay Poblacion, San Pascual, Batangas kahapon ng madaling-araw. Base sa inisyal na ulat, bandang alauna ng madaling-araw nang magising si Tony Mendoza na nagliliyab ang kisame ng kanyang bahay kaya mabilis nitong ginising ang kapatid na si Loreta para makahingi ng tulong sa mga kapitbahay. Wala naman iniulat na nasawi sa naganap na sunog na pinaniniwalaang faulty electrical wiring, ayon sa ulat. Napag-alamang humingi ng saklolo ang San Pascual fire marshals sa mga kalapit na fire station sa bayan ng Bauan, San Jose at Ibaan, dahil ginagawa pa ang kanilang nag-iisang trak na pamatay-sunog.

BARANGAY NILOMBOT

BARANGAY POBLACION

BARANGAY SAN PEDRO

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

ED CASULLA

SAN PASCUAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with