^

Probinsiya

2 kontratistang kinidnap nailigtas

-

Matapos ang ilang araw na pagkakabihag, nailig­tas  ng mga awtoridad ang da­lawang kontratista ng Globe Telecoms na kinid­nap ng mga bandidong Abu Sayyaf makaraang sala­ka­yin ang safehouse ng mga kidnaper sa Sitio Bohe Bessey sa Ba­rangay Tu­buran sa bayan ng Moham­mad Ajul, Ba­silan, noong Biyernes ng gabi.

Ang dalawa na suma­ilalim sa debriefing at medical check-up sa Lamitan City Hospital ay sina Pi­lardo Tolentino at Jayson Constacia.

Ayon sa report na isi­numite sa Camp Crame, sinabi ni PSenior Supt. Salik Macapa­n­tar na sina­lakay ng pinag­sanib na elemento ng Regional Intelligence Division sa pa­mu­muno ni PO1 Kasmim Maulod at Ba­silan PPO na pinamu­munuan na­man ni PO2 Faisal Alih, ang safe­hous ng mga kidnaper na humihingi ng P3 milyong ransom.

Papatakas sa lugar ay pinaputukan pa ng mga kidnaper ang search and rescue team ng pulisya na nauwi sa maikling putukan bago nagsi­takas at iniwan ang dalawa.

Magugunita na ang da­lawa ay kinidnap noong Miyerkules ng Hulyo 16  habang patungo sa bayan ng Tuburan upang magsa­gawa sana ng pag-iins­peksyon sa cell site na pag­mamay-ari ng Globe Tele­coms. Joy Cantos

vuukle comment

ABU SAYYAF

CAMP CRAME

FAISAL ALIH

GLOBE TELE

GLOBE TELECOMS

JAYSON CONSTACIA

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with