^

Probinsiya

2 kontratista ng Globe kinidnap ng Sayyaf

- Joy Cantos -

Patuloy sa paghahasik ng lagim ang mga bandi­dong Abu Sayyaf Group kung saan dalawang kon­tratista ng Globe Telecommunications ang kinidnap sa panibagong insidente ng kidnap-for-ransom sa Basilan kamakalawa.

Inatasan naman ni PNP chief Director General Avelino Razon Jr., ang Basilan Provincial Police Office na pinamumunuan ni P/Senior Supt. Salik Macapantar, ang malawa­kang search and rescue operations sa mga bikti­mang sina Felardo Tolen­tino at Jayson Constancio na kapwa mga konsehal ng barangay sa nasabing bayan.

Masuwerte namang nakatakas sa kamay ng mga bandido ang siyam na kasamahan nina Tolentino at Constancio.

Batay sa police report, binihag ng mga bandido ang dalawa sa 11 sub-contractors ng Globe Telecoms habang patungo sa bayan ng Tuburan.

Napag-alamang mag-iinspeksyon ang grupo ng dalawa sa kanilang cell site nang matiyempuhan ng mga bandido sa  bisinidad ng  Brgy. Languyan sa ba­yan ng Mohamad Ajul.

Nabatid na humihingi na ng P 3 milyong ransom ang mga kidnaper kapalit ng pagpapalaya sa dalawang biktima.

Sinasabing ang dumu­kot sa dalawa ay bihag din ang nurse na si Preciosa Feliciano na kinidnap sa Zamboanga City noong nakalipas na linggo.

Matatandaan na  pina­laya  ng mga bandidong Abu Sayyaf ang apat  na kawani ng Basilan Electric Cooperative (Baselco) pag­karaan ng may dala­wang linggong pagkakabi­hag sa  Basilan.

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

BASILAN

BASILAN ELECTRIC COOPERATIVE

BASILAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with