CAVITE – Isang 47-anyos na mister ang iniulat na napaslang makaraang pagbabarilin ng kanyang nakababatang mag-utol sa Barangay Paliparan 1, Dasmarinas, Cavite kahapon ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Oscar Manducdoc habang nasugatan naman ang kanyang 16-anyos na anak na si Kenneth Manducdoc.
Sa follow-up operation ng pulisya, naaresto naman ang isa sa mga suspek na si Marlon Manducdoc, 32, ng Blk 13 Lot 17 Brgy. San Gabriel sa bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite.
Pinaghahanap naman ang isa pang suspek na si Jose Manducdoc na naninirahan din sa nabanggit na bayan.
Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO3 Edgar Belza, pinasok ng mga suspek ang bahay ng biktima saka isinagawa ang pamamaslang. Sinisilip ng mga imbes tigador ang pinag-aagawang lupain sa nabanggit na bayan ang isa sa posibleng motibo ng krimen. Cristina Timbang