^

Probinsiya

20 mag-aaral sugatan sa bangin

-

CAMARINES NORTE – Umaabot sa dalawampung mag-aaral ang iniulat na na­su­gatan kabilang na ang apat na malubhang na­sugatan makaraang ma­hulog sa bangin ang pam­pasaherong jeep­ney sa  Naga City, Ca­marines Sur kamaka­lawa.

Kabilang sa mga bik­timang nasa kritikal na ka­la­gayan ay sina Ira De­leova, Melanie Se­nar, Mi­chael Alfon at si Fer­nando Clariza na gina­ga­mot sa Bicol Medical Center sa Naga City.

Batay sa police report na nakarating sa Camp Crame, naitala ang sa­ kuna dakong alas-5 ng hapon sa bisinidad ng Barangay Maangas ng nasabing lungsod.

Napag-alamang pa­tungo sa bayan ng Pre­sentacion mula sa ba­yan ng Gao ang pampa­saherong jeepney nang mamataan ng dray­ber na papauwi sa Ba­rangay Adjangao ang mga estudyante ng Maangas National High School.

Nabatid na may kar­gang 20 sako ng bigas ang nasabing jeepney kung saan pinasakay ng driver ang mga estud­yan­te sa bubungan ha­bang ang iba ay naka­sabit naman sa sasak­yan.

Gayon pa man, ha­bang papaliko sa pakur­badang kalsada ang sasakyan ay nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber kaya nagtuluy-tuloy na bumulusok sa bangin. Francis Eleva­do at Joy Cantos

BARANGAY MAANGAS

BICOL MEDICAL CENTER

FRANCIS ELEVA

HIGH SCHOOL

PLACE

PLACENAME

PLACETYPE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with