Operasyon ng Hanjin muling pinatigil
SUBIC, Zambales – Muling ipinahinto ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang operasyon ng Hanjin Heavy Industries Corp. matapos ang pinakahuling sakuna na ikinasawi ng isang manggagawa noong Sabado.
Ang panibagong cease and desist order na ipinalabas ni Atty. Ramon Agregado, SBMA senior deputy administrator for support services, inatasan ang Hanjin na pansamantalang itigil ang operasyon ng bahagi ng Assembly C sa loob ng 7-araw kung saan naganap ang pinakahuling aksidente.
Sa ulat na nakalap ng PSNgayon, naganap ang aksidente noong Sabado kung saan namatay ang subcontractor na si Benjie Gamolo, 31, ng Tatalon. Quezon City, matapos tamaan ng steel beam na karga ng crane.
Nabatid kay Agregado na ang pagkamatay ni Gamolo ay naglalagay sa kuwestiyunable ang occupational safety and health rules and regulations ng Hanjin’s $1.6-billion shipyard na naitalang aabot sa na sa 13 manggagawa na ang napaulat na namatay simula noong 2006.
Sinabi pa ni Agregado na habang ipinatutupad ang suspensyon ay magsasagawa naman ang SBMA at ibat-ibang ahensya ng gobyerno ng komprehensibong inspeksyon upang matukoy kung ligtas sa mga trabahador ang HHIC-Phil Inc.’s Assembly Shop C bago tuluyang payagang makapag-operate muli. (Alex Galang)
- Latest
- Trending