14-anyos stude ni-rape slay ng 4 adik

BUTUAN CITY – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 14-anyos na hay­skul student matapos pag­tulu­ngang halayin ng mga adik sa bawal na gamot ay itinapon pa sa kahabaan ng Diversion Road sa Ba­rangay Ochoa sa Butuan City kahapon.

Ang biktimang si Geral­dine Palaw ng San Isidro High School sa Barangay Oro ay nagtamo ng dala­wam­put pitong saksak ng patalim sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang isang tinedyer na naka­sak­si sa krimen upang maki­lala ang mga suspek na may mga tattoo at miyem­bro ng kilabot na fraternity sa Butuan City.

Napag-alamang natakot lumutang ang saksi dahil kilala nito ang apat na sus­pek na may edad 14 hang­gang 17-anyos na aktibong nagre­re­krut ng mga kaba­taan para ma­ging miyem­bro ng fraternity.

Ito ang ikatlong kaso ng rape slay  sa nabanggit na lung­sod simula noong 2006 kung saan ang isa sa biktima ay pinagtulungang halayin bago pinatay ng mga adik sa droga na pinaniniwalaang mu­la sa prominenteng pa­milya.

Nanatiling hindi pa nare­resolba ang kaso na na­ging kontrobersyal dahil ang bik­tima ay beauty titlist na nag­tamo naman ng 19 na sak­sak sa katawan. Ben Ser­rano

Show comments