Simbahan gumuho, 1 patay

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Isang 19-anyos na estudyante ang iniulat na namatay matapos gumuho ang chapel na ginawa noon pang Spanish-era sa Cavite noong Huwebes ng hapon. Kinilala ni P/Supt. Michael Secillano, operations officer ng Cavite police ang biktimang si Lexter Pestillanos, 19, college student, ng Barangay 62-A Cavite City. Sa panayam ng PSNgayon kay Secillano, natutulog ang biktima sa kampanario ng Sta. Monica Church nang bigla itong gumuho dahil sa lakas ng buhos ng ulan bandang alas-3:30 ng hapon. Napag-alamang ginagawang tambayan ng mga estudyante ang naturang kapilya hanggang sa maganap ang aksidente. Arnell Ozaeta

Show comments