^

Probinsiya

Misis, ka-textmate naaktuhan

- Joy Cantos -

Rehas na bakal ang binagsakan ng isang misis at lover nito ma­tapos maaktu­han ng mister ng una na nag­tatalik sa mismong kama nilang mag-asa­wa sa Purok 3-A, Ba­rangay Canocotan, Tagum City, Davao del Norte kamakalawa.

Lumuluhang dumu­log sa himpilan ng pu­lisya sa Tagum City ang mister na itinago sa pangalang Jorge para ireklamo at ipi­naaresto ang kaniyang misis na itinago sa pangalang Anna ga­yundin ang ka-text­mate na naging lover nito na isang nag­ngalang Noel Moloro ng Malagamot, Pana­can Distrcit, Davao City.

Sa inisyal na pag­sisiyasat ng pulisya, nabuo ang illicit affair ng dalawa dahil sa text na libangan ng nasa­bing misis.

Dumayo pa sa Ta­gum City si Moloro upang makipagkita sa ka-textmate at dahil wala ang mister ng ginang ay sinamantala ng dalawa ang pag­kakataon upang mag­talik sa silid nilang mag-asawa.

Gayon pa man, sa hindi inaasahang pag­kakataon ay biglang umuwi ang nasabing mister upang sorpre­sahin sana ang asawa subalit nagulantang sa kaniyang natuklasang pagtataksil ng sariling misis. 

vuukle comment

CANOCOTAN

DAVAO

DAVAO CITY

DISTRCIT

DUMAYO

GAYON

NOEL MOLORO

SHY

TAGUM CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with