Caretaker tinodas sa babae

ORANI, Bataan – Mala­mang nasa ilalim ng ipinag­babawal na gamot ang isang  magkapatid na kap­wa menor-de-edad mata­pos nilang burdahan ng saksak at mapatay ang isang caretaker ng isang poultry farm na si Nelson de Guzman, 40, noong Hulyo 4 ng madaling-araw. Ito ang hinihinala ng pu­lisya makaraang madakip ang mga suspek kamaka­lawa sa Barangay Doña, Orani.  Malamig na rehas na bakal sa Bataan Provincial Jail ang kinasadlakan ng magkapatid sa ina na sina Nikki Garcia, 18 anyos,  at Amos Villamor, 16, kapwa binata at walang trabaho ng naturang Barangay.

Lumilitaw sa imbesti­gas­yon na pinatay ng magka­patid si de Guzman nang magselos ang isa sa mga suspek dahil kinaka­usap ng biktima ang kur­sunada niyang guest relation officer sa isang vi­deoke bar.  (Jonie Capalaran)

Show comments