^

Probinsiya

Mag-ina kinatay

-

CEBU CITY – Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-ina kung saan pinalakol ng ‘di-pa kilalang lalaki sa loob ng kanilang tahanan sa liblib na bahagi ng Barangay Lingigon sa bayan ng Argao, Cebu City kamakalawa ng madaling-araw.

Natagpuan kahapon ng umaga ang mga bangkay ng mag-inang sina Jocelyn Rubia Gomez, 24, at anak nitong si Riza, isang taong gulang.

Sa salaysay ng mister ni Jocelyn kay SPO1 Arnold Abiner, natagpuan niya ang mag-inang tadtad ng sugat sa buong katawan matapos siyang umuwi mula sa Carbon Public Market bilang kargador.

Kaagad na ipinagbigay-alam sa kinauukulan at kasabay na natagpuan ang palakol na ginamit sa krimen.

Pinaniniwalaang hinalay muna ang ina ng bata bago pinalakol hanggang sa mapatay.

Ayon sa mga kapitbahay ng pamilya Gomez na  may narinig silang kaguluhan sa loob ng nasabing bahay, ngunit dahil madalas na nila itong marinig sa pag-aaway ng mag-asawa ay ‘di na nila ito pinansin.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya. (Edwin Ian Melecio)

vuukle comment

ARGAO

ARNOLD ABINER

BARANGAY LINGIGON

CARBON PUBLIC MARKET

EDWIN IAN MELECIO

JOCELYN RUBIA GOMEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with