Nakisakay sa trak; misis todas

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Kamata­yan ang naging kapalit ng isang misis na nakisakay lamang sa trak habang dalawang iba pa ang ma­lubhang nasugatan maka­ra­ang mahulog sa bangin ang sasakyan ng mga bik­tima sa Barangay Mabini sa bayan ng Donsol, Sor­sogon kamakalawa.

Nakilala ang nasawi na si Welhimina Tolosa, may asawa at residente ng Barangay Waling -Waling, samantala, ang dalawang sugatan na kaagad naman na isinugod sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital  ay nakilalang sina Ricky Macararanga  at Johnny Barba.

Samantala, naaresto naman ang drayber ng truck na si Ramon Estabillo ng PCQ Construction at residente ng Barangay Batang, Ligao City.

Naitala ang insidente ganap na alas-3 ng ha­ pon makaraang mawa­lan ng kontrol ang truck (EAY-793) na bumabagtas sa kahabaan ng natu­rang lugar.

Napag-alamang ka­agad na nakatalon ang drayber, subalit ang tat­long biktima ay kasama ng truck na nahulog sa bangin.

Sa kasalukuyan, ang drayber ay nakakulong sa himpilan ng pulisya at ini­ha­handa na ang kauku­lang kaso. (Ed Casulla)

Show comments