30 sugatan sa road mishap

GUIGUINTO, Bula­can – Aabot sa  tat­lumpu-katao ang ini­ulat na nasugatan  ma­ka­raang bumalandra ang pampasaherong bus sa concrete barrier  sa kahabaan ng North Luzon Expressway na sakop ng Barangay Sta. Rita sa bayan ng Gui­guinto, Bulacan  kaha­pon.

Kabilang sa mga biktimang isinugod sa Bulacan Polymedic Hospital at sa Bulacan Provincial Hospital ay sina Dennis Pajarillo, drayber ng bus; Reg­gie Alejandrino, kon­doktor; Teck Gabuyan ng San Mateo, Rizal; Janeth Santiago, Er­nesto Alcantara, Emi­lyn Cayabyab, Paul Lapig, Lucila Alegre at si Edgar Garcia

Napag-alamang patungong Maynila ang Dagupan Bus Liner (AVN-729) mula sa ba­yan ng San Car­los, Pangasinan nang mag­ loko ang unahang preno sa kahabaan ng North Luzon Expressway.

Dahil sa madulas ang highway dulot ng bagyong “Frank” at nawasak ang preno ay bumalandra ang nasa­bing bus sa concrete barrier na nasa gitna ng NLEX.

Kaagad namang su­­maklolo ang ilang mo­torista at naisugod sa mga nasabing ospi­tal ang mga sugatang bik­tima. Dino Balabo

Show comments