CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Anim na kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng kilabot na “Gianan-Kabit” gang ang nasakote ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon sa Barangay Quinale sa bayan ng Calabangan, Camarines Sur kamakalawa ng umaga. Kabilang sa mga suspek na kinasuhan habang nakakulong ay sina Herminio “Okay” Gianan Jr., leader ng grupo; Henry Sta. Ana, Binofacio Delso Santos, Danilo Javier, Cesar Lastina at si Jojo Sta, Ana. Sa police report, ang mga suspek ay nadakma sa nasabing barangay habang magkakasamang nagbabalak na mangholdap. Ed Casulla