Barangay kagawad itinumba

LIPA CITY, Batangas – Kinarit ni kamatayan ang isang ba­rangay councilor makaraang ratratin ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan sa Barangay Pinagkawitan, Lipa City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni P/Supt Prudencio Legaspi, hepe ng Lipa City PNP, ang biktimang si Kagawad Jacinto Mendoza, 47, ng nabanggit na  barangay. Ayon sa police report, nagkakabit ng trapal ng jeep ang biktima sa harap ng kanyang bahay habang umuulan nang lapitan at pagbabarilin ng dalawang ‘di-kilalang armadong lalaki na sakay ng motorsiklo. Arnell Ozaeta

Pumalag sa holdap dinedo

Isang babaeng overseas Filipino worker na pinaniniwa­laang pumalag sa holdap ang binaril sa ulo at napatay ng dala­wang kalalakihang nakamotorsiklo sa bayan ng Camiling, Tarlac kahapon. Batay sa police report na nakarating sa Camp Crame,  kasama ng biktimang si Susan Alonzo, ang kanyang anak sa tapat ng convenience store sa  Bgy. Poblacion nang lapitan at holdapin ng dalawang lalaki. Gayon pa man, nanlaban  ang biktima nang sapilitang inaagaw ang kanyang bag kaya napilitang  siyang barilin sa ulo. Nakulimbat ng mga tumakas na holdaper ang P.3 milyon cash, alahas, 2 celfone na  laman ng  bag ng biktima. Sa follow-up operation ng pulisya, nasakote sa mga suspek na sina  Ricardo at Mark Joseph de Guzman sa bisinidad ng highway ng San Clemente, Tarlac. Joy Cantos

Show comments