Signal No. 3 sa 10 lalawigan
Tumama na sa lupa ang Bagyong Frank kahapon ng alas-5:00 ng hapon sa may Eastern
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration, taglay ni Frank ang pinakamalakas na hanging 140 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 170 kilometro bawat oras.
Patuloy ang pagkilos ni Frank pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 19 na kilometro bawat oras.
Ngayong Sabado, si Frank ay inaasahang nasa may 50 kilometro ng hilagang kanluran ng Baler Aurora at nasa 30 kilometro ng hilagang kanluran sa linggo.
Bunsod nito, nakataas ang babala ng bagyo bilang 3 sa Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Burias island, Sorsogon, Catanduanes,
Signal number 2 sa Quezon, Polilio island, Marinduque, Romblon,
Signal number 1 sa Metro Manila, Aurora, Rizal, Laguna, Batangas, Cavite, at Mindoro Provinces gayundin sa Antique, Capiz, Aklan, Iloilo, nalalabing bahagi ng Cebu, Bohol, Negros provinces, Guimaras, Dinagat at Siargao island.
Ayon sa PAGASA, patuloy na nakakaapekto kay Frank ang southwest monsoon na nagdadala ng mga ulan sa
- Latest
- Trending