20 fetus natagpuan sa abandonadong bahay

Nagulantang ang mga awtoridad matapos na ma­tagpuan ang umaabot sa 20 fetus na nahukay  mula sa isang abandonadong bahay sa Bauang, La Union ka­makalawa.

Batay sa inisyal na ulat, ang naturang bahay ay ipi­namana sa mag-asawang Shirley at Nomer Gorospe na lolo ng una.

Matatagpuan ang naturang bahay sa Barangay Qui­navite, Bauang.

Nadiskubre ang mga fetus sa naturang bahay  ma­karaang mahukay mismo ni Nomer ang tatlo sa loob mismo ng kanilang bahay na ipinapagawa.

Sinasabing posibleng ang lolo ni Shirley na suma­kabilang buhay na ang responsable sa  pagbabaon sa lupa ng mga fetus na  nahukay.

Nabatid na dating manghihilot sa barangay ang kan­yang lolo at posible ring sa panghihilot nito ay naging abortionista ito. (Joy Cantos)

Show comments