20 fetus natagpuan sa abandonadong bahay
Nagulantang ang mga awtoridad matapos na matagpuan ang umaabot sa 20 fetus na nahukay mula sa isang abandonadong bahay sa Bauang, La Union kamakalawa.
Batay sa inisyal na ulat, ang naturang bahay ay ipinamana sa mag-asawang Shirley at Nomer Gorospe na lolo ng una.
Matatagpuan ang naturang bahay sa Barangay Quinavite, Bauang.
Nadiskubre ang mga fetus sa naturang bahay makaraang mahukay mismo ni Nomer ang tatlo sa loob mismo ng kanilang bahay na ipinapagawa.
Sinasabing posibleng ang lolo ni Shirley na sumakabilang buhay na ang responsable sa pagbabaon sa lupa ng mga fetus na nahukay.
Nabatid na dating manghihilot sa barangay ang kanyang lolo at posible ring sa panghihilot nito ay naging abortionista ito. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending