Pasahero ng fast ferry, inatake, dedo

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Isang 39 anyos na lalake ang nama­tay matapos na atakihin sa puso nitong Lunes ng hapon habang nasa gitna ng biyahe sakay ng isang pampasa­herong fast ferry patungong Batangas.

Sa ulat na ipinarating ng ilang tauhan ng Philippine Coast Guard dito sa tang­gapan ng Oriental Mindoro Media Club, nakilala ang namatay na pasaherong si Omar Victor C. Tenedora, 39, at residente ng siyudad na ito.

Sinasabi na si Tenedora, kasama ang hindi pa naki­lalang kapatid na babae, ay sakay ng SuperCat 23 na umalis sa pantalan dito nang mga dakong alas-3:30 nang hapon ng Hunyo 9 patungo umanong Maynila.

Ngunit, habang bumibi­yahe ang barko sa gitna ng kara­gatan ng Verde Island Passage, bigla na lang ina­take sa puso ang biktima. Pi­nilit na­mang sagipin ng mga crew ng SuperCat 23 si Tenedora hanggang sa na­pilitan nang ipinawagan sa pamamagitan ng public address system nito kung mayroong doktor sa sinu­mang pasahero sa loob ng barko.

Bagama’t may isa ngang doktor na pasahero rin, hindi na rin nagawang isalba ang kaawa-awang si Tenedora.  Patay na itong idinating sa pier ng Batangas City.

Ayon naman sa ilang pa­saherong sakay doon at na­kasaksi ng pangyayari, na­kakahapo ang sobrang ka­initan sa loob ng SuperCat 23 habang ito ay bumabag­tas sa ruta ng Calapan-Ba­tangas samantalang ito ay sarado at dapat na ito ay airconditioned dahil “walk-in passengers” lamang ang sakay ng naturang fast ferry.

Ito marahil ang isa sa nag­palala o nagpaatake sa puso ng nabanggit na bik­tima. (Juancho Mahusay)

Show comments