Dalawang sibilyan ang kumpirmadong nasawi makaraang masalpok ng truck ng basura habang tumatawid sa national highway sa Davao City kamakalawa. Nakilala ang mga magpinsang biktima na sina Jay Rosauro at Rollie Rosauro habang naaresto at pormal na kinasuhan ang drayber ng truck na si Emmanuel Palay Jr. Batay sa report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang sakuna sa bahagi ng Calinan District sa naturang lungsod kung saan naglalakd ang magpinsan. Sa salaysay ni Palay sa pulisya, nawalan siya ng kontrol sa manibela kaya’t nabundol nito ang dalawa na nagresulta sa pagsalubong ni kamatayan. Joy Cantos